Pang. Rodrigo Duterte, nanawagan sa ASEAN countries na paigtingin ang public-private partnership

by Radyo La Verdad | August 8, 2017 (Tuesday) | 3508

Ngayong araw ipinagdiriwang ang ika-50 taong pagkakatatag ng Association of Southeast Asian Nations o ASEAN. 

Kinilala ni Pangulong Rodrigo Duterte ang foreign ministers ng mga bansang Indonesia, Philippines, Malaysia, Singapore at Thailand na nagtatag ng ngayo’y itinuturing na isa sa pinakamalagong economic community sa buong mundo.

Mula sa limang orihinal na kasaping bansa, nasa sampu na ang member states na nagsusulong ng positibong pagbabago para sa mga mamamayan nito.

Upang ipagpatuloy ang nasimulan ng mga founding father ng ASEAN, ipinanawagan ni Pangulong Duterte sa mga kapwa ASEAN member ang pagsusulong ng private-public partnership upang maiahon sa kahirapan ang kanilang mamamayan. 

Ipinaalala rin ng pangulo ang pangunahing layon ng pagkakatatag ng ASEAN, ang pagkakaroon ng maunlad at mapayapang pamumuhay para sa mga mamamayan.

 

(Rosalie Coz / UNTV Correspondent)

 

Tags: , ,