Pamahalaan, nananatiling bukas sa negosasyon sa CPP-NPA ayon sa Malakanyang

by Radyo La Verdad | January 11, 2016 (Monday) | 1994

COLOMA

Nananatiling bukas ang pamahalaan sa mapayapang negosasyon sa Communist Party of the Philippines- New People’s Army- National Democratic Front o CPP-NPA-NDF na maaring humantong sa pagkakasunduan at kauawaan ayon sa Malakanyang.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Herminio Coloma Jr., nauna ng sinabi ni Pangulong Aquino na nakasalalay naman aniya ang pagbubukas ng usapang pangkapayapaan sa pagkukusa ng rebeldeng grupo na lumahok sa negosasyon.

Sa kabila nito, patuloy aniya ang mga programa ng pamahalaan para tumugon sa kahirapan at kawalan ng oportunidad na aniya’y ugat ng pag-aaklas sa bansa.

Magsasagawa pa rin aniya ng Military Operations ang gobyerno upang pigilan naman ang mga karahasang ginagawa ng NPA laban sa mga mamamayan at upang mapanatili aniya ang seguridad sa mga komonidad kung saan ito naghahasik ng ligalig.

Natapos ang holiday season ceasefire sa pagitan ng militar at rebeldeng komunista noong January 3.

(Jerico Albano / UNTV Radio Reporter)

Tags: , ,