6 na terorista, patay sa magkahiwalay na operasyon ng militar sa Davao

by Erika Endraca | September 22, 2021 (Wednesday) | 422

METRO MANILA – Patay sa magkahiwalay na engkwentro ang 6 na CPP-NPA Terrorists (CNTs) nitong Lunes (Setyembre 20) sa Malaybalay City, Bukidnon at Butuan City, Agusan del Norte.

Narekober ng mga sundalo ang 14 na high-powered at 1 low-powered firearms mula sa mga rebelde.

Samantala, walang nasaktan sa panig ng pamahalaan kaya naman pinuri ni Major General Romeo Brawner Jr, Commander ng 4th Infantry (Diamond) Division ang 403rd Brigade at ang 1st Special Forces Battalion (1SFBn).

Kinilala rin ng opisyal ang tagumpay ng 1st Special Action Battalion (1SAB) ng PNP Special Action Force (SAF) at 65th Infantry Battalion (65IB).

(Rhuss Egano | La Verdad Correspondent)

Tags: