Pahayag ni Sen. Hontiveros ukol sa umano’y polisiya sa pagpatay sa mga sangkot sa droga, kaignorantehan – Pres. Duterte

by Radyo La Verdad | September 6, 2017 (Wednesday) | 10172

Binweltahan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senator Risa Hontiveros sa pahayag nitong may polisiya umano ang administrasyong Duterte na patayin ang mga sangkot sa iligal na droga, ayon sa punong ehekutibo, kaignorantehan ito.

Ito ang sagot ni Pangulong Rodrigo Duterte sa tanong ni Senator Risa Hontiveros sa pagdinig ng senado kahapon kaugnay sa pagkamatay ni Kian Delos Santos.

Ayon sa Pangulo, isang insulto na sabihin na polisiya ng pulisya ang pagpatay sa mga sangkot sa illegal drugs. Aniya, naghahanap lang ng butas ang senadora laban sa kanyang administrasyon.

Kaugnay nito, ipinag-utos ng Pangulo sa PNP na magsama ng media sa mga operasyon nito upang maiwasan ang mga pagdududa lalo na tuwing may napapatay sa anti-illegal drug operation.

Samantala, tinuligsa naman ni Pangulong Duterte ang alok na isang milyong pisong pabuya ni Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog sa sinomang makapagbibigay ng impormasyon sa ikadarakip ng mga drug suspect.

 

(Macky Libradilla / UNTV Correspondent)

 

 

 

 

 

Tags: , ,