Pagtatatag ng revolutionary government, walang basehan sa konstitusyon – Sen. Lacson

by Radyo La Verdad | November 21, 2017 (Tuesday) | 3119

Walang dapat ikabahala ang taumbayan sa naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa pagtatatag ng revolutionary government, ito ang reaksyon ng ilang senador sa pahayag ng Pangulo noong weekend sa Davao City sa plano nitong gawin kung sakaling manggugulo umano ang mga laban sa pamahalaan.

Ayon sa Pangulo, mas mainam ang pagtatatag ng revolutionary government kaysa sa pagdedeklara ng martial law na marami umanong restriction.

Para kay Senator Panfilo Lacson, wala namang basehan sa konstitusyon ang pagtatatag ng revolutionary government.

Ayon naman kay Senator Antonio Trillanes, paraan lamang ito ng Pangulo upang tumakas sa mga isyu.

Pagtatanggol naman ni Department of Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, dapat tanggapin na seryoso si Pangulong Duterte subalit hindi palaging literal ang tinutukoy nito dahil mahilig siya sa hyperbole.

Una nang nagbanta si Pangulong Duterte noong nakaraang buwan na magtatatag ng revolutionary government dahil umano sa planong destabilisasyon ng kaniyang mga kalaban sa pulitika.

 

( Nel Maribojoc / UNTV Correspondent )

Tags: , ,