Pagtataas ng buwis sa produktong petrolyo, may malaking hamon sa pagpapasa ng tax reform package – Sen. Angara

by Radyo La Verdad | July 26, 2017 (Wednesday) | 2792


Tiyak na dadaan pa rin sa masusing pagbusisi ng mga senador ang panukalang tax reform package ng administrasyong Duterte. Ito ay kahit na nabanggit na ito ng pangulo sa kaniyang ikalawang State of the Nation Address bilang priority bill.

Ayon kay Senate Commmittee on Ways and Means Chairman Senator Sonny Angara, may ilang probisyon sa panukala na tiyak na makukwestyon pa rin tulad ng pagtataas ng buwis sa mga produktong petrolyo.

Maging ang mga probisyon sa pagtataas ng buwis sa mga sweetened beverages ay dadaan din sa debate.

Sa kabila nito ayon kay Senator Angara, posibleng sa Septyembre ay maipasa na sa kaniyang komite ang panukalang batas.

Ayon naman kay Senator Risa Hontiveros, hindi maaaring makapasa ng buo ang repormang ito na pagbubuwis ng administrasyon.

Layon ng pagpapasa ng tax reform package ng administrasyon na matustusan ang pagtatayo ng mga karagdagang ospital, pagpapalawig ng Health Care program at para sa iba pang Infrastructure Projects ng pamahalaan.

(Nel Maribojoc / UNTV Corresponden)

Tags: , ,