Pagsusulong ni Alvarez ng No-El scenario, posibleng dahilan kaya napatalsik – Malacañang

by Radyo La Verdad | July 25, 2018 (Wednesday) | 40663

Nabahala si Pangulong Rodrigo Duterte sa isinusulong na no-election scenario ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ito rin marahil ang dahilan kung bakit isinulong ng mga mambabatas na mapalitan ito sa pwesto.

Hindi naman sinagot ng palasyo ang umano’y bantang pagwo-walk out ng Pangulo noong Lunes kundi naayos ang problema sa house leadership bago magsimula ang kanyang State of the Nation Address (SONA).

Ayon naman kay Oriental Mindoro Congressman Reynaldo Umali, posibleng malaki talaga ang naging epekto ng alitan nina Mayor Sara Duterte at Alvarez sa pagkakaalis nito sa pwesto.

Sa kabila naman ng pagtuligsa sa pagkakahalal kay Pampanga Rep. Gloria Arroyo bilang bagong house speaker, tiniyak ng Malakanyang na buo ang suporta at tiwala nila dito.

 

( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )

Tags: , ,