Kamara tiniyak ang maagap na pagpapasa sa 2024 national budget

by Radyo La Verdad | July 24, 2023 (Monday) | 4079

METRO MANILA – Siniguro ng mababang kapulungan ng Kongreso ang maagap na pagtalakay at pagpasa sa 2024 proposed national budget.

Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, posibleng 1 Linggo matapos ang State of the Nation Address (SONA) ay isumite na ng ehekutibo ang 2024 national expenditure program sa Kamara.

Sa pagtaya ng House Leader posibleng abutin ng 5 Linggo ang budget deliberations bago tuluyang pagtibayin sa ikatlo at huling pag-basa bago ang kanilang session break sa Oktubre.

Tags: ,