Pagsasampa ng reklamo laban sa mga pulitikong may mga illegal poster at campaign materials, pinag-aaralan pa ng COMELEC

by Radyo La Verdad | February 22, 2016 (Monday) | 1107

COMELEC

Pinag-aaralan pa ng Commission on Elections o COMELEC kung dapat bang kasuhan ang lahat ng mga kandidatong lumabag sa batas at naglagay ng mga campaign materials sa mga ipinagbabawal na lugar.

Ayon sa COMELEC kung lahat ng kandidato ay kanilang kakasuhan, wala ng matitira sa mga ito dahil ang grounds ang naturang paglabag upang ma-disqualify ang isang kandidato.

Nasa pitong toneladang illegal posters at campaign materials na ang naipon ng Metropolitan Manila Development Authority sa loob lamang ng halos dalawang linggong operation baklas nito sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila.

(UNTV News)

Tags: