Inaprubahan na ng Commission on Elections ang paglalagay ng voting precint sa mga mall sa araw ng halalan.
Ayon kay COMELEC Chairman Andres Bautista, walumput anim na mga mall ang lalagyan ng voting precint.
Sa isinagawang consultation ng poll body sa nasa isandaan at dalawampung bayan sa bansa, walumpu’t dalawa sa mga ito ang sang-ayon sa mall voting samantalang tatlumput apat naman ang hindi sang-ayon.
Layon ng paglalagay ng presinto sa mga mall na maging mas maginhawa ang pagboto lalo na para sa mga matatanda, may kapansanan at may sakit.
Tags: Comelec Chairman Andres Bautista, Commission on Elections