Pagpapahalaga ng mga Pilipino sa demokrasiya, pagkondena sa diktadurya ayon sa Malacañang

by Radyo La Verdad | February 26, 2016 (Friday) | 2290

JERICO_COLOMA
Naniniwala ang Malacañang na ang pagpapahalaga ng mayorya ng mga Pilipino sa malayang pamamahayag ay nagpapakita ng pagkondena nito sa anumang klase ng kalupitan at mapang aping diktadurya.

Reaksiyon ito ng Malacañang sa latest result ng SWS survey na 76% ng 1,200 na tinanong ang nagsasabing kuntento sa takbo ng demokrasiya sa bansa.

Ayon kay presidential Communications Secretary Herminio Coloma Jr., ang pagayon ng maraming Pilipino sa demokrasiya ay nagpapakita lamang ang pagpapahalaga dito bilang paraan na ng pamumuhay.

“Such overwhelming approval reflects the Filipinos’ deep appreciation for democracy as a way of life.” Pahayag ni Coloma.

Napapanahon naman aniya ito dahil nasabay ito sa pagdiriwang ng ika 30 anibersaryo ng EDSA People Power.

Tatlumpung taon na ang nakalipas mula ng maipagtagumpay ng taumbayan ang demokrasiya laban sa diktadurya ng dating Pangulong Ferdinand Marcos.

(Jerico Albano / UNTV Radio Reporter)

Tags: , ,