Tagumpay para sa grupo ng mga guro at estudyante ang pagsasabatas ng libreng matrikula sa mga pampublikong kolehiyo at unibersidad sa bansa. Nabawasan anila ang kanilang isipin kung saan kukunin ang pambayad sa matrikula at iba pang bayarin sa kanilang pagaaral.
Tulad na lamang ng UP student na si Aima Dumado, siyam na libong biso ang matitipid kada semestre. Habang thirty tousand pesos per semester naman si Zen Jimenez.
Ayon kay Kabataan Partylist Rep. Sarah Ilago, nasa 1.8 million na mga estudyante ang makikinabang dito. Ang 50 thousand dito ay nag-aaral sa mga campuses ng University of the Philippines sa buong bansa.
Ayon kay UP Chancellor Michael Tan, nasa isang bilyong piso ang nakokolekta ng buong UP system mula sa matrikula at miscellanious fee.
Samantala, nangako naman ang grupo ng mga guro at estudyante na babantayan pa rin nila ang pagbabalangkas ng implementing rules and regulations ng naturang batas. Ganundin ang pondo na ilalaan dito ng pamahalaan.
Ayon kay Congresssman Tino, nasa 15 billion pesos ang inisyal na kailangang pondo sa pagpapatupad nito. Habang nasa sampung bilyong piso naman ang para sa subsidiya sa mga private colleges and universities.
Sa nakaraang budget hearing sa Kamara, walang pondo na inilaan sa free tuition. Subalit ngayon ay mapipilitan aniya na pondohan na ito ng pamahalaan.
(Rey Pelayo / UNTV Correspondent)