Pagkaubos ng alloted replacement ballots sa polling precincts, posibleng maging problema sa araw ng halalan

by Radyo La Verdad | April 27, 2016 (Wednesday) | 2104

BALOTA
All-systems go na ang Commission on Elections para sa idaraos na halalan sa darating na Mayo a-nueve.

Ayon sa COMELEC, inaasahang makukumpleto sa katapusan ng Abril ang deployment ng Vote-Counting Machines sa mga election hub sa iba’t ibang probinsya kasama na ang mga gagamiting election paraphernalia.

Nakalatag na rin ang seguridad na ipatutupad ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines para sa VCM deployment gayundin sa polling precincts.

Ang tangi na lamang nakikitang problema ng provincial supervisior ng COMELEC sa lagunaay ang usapin sa pagbibigay ng replacement ballots sa mga botante.

Sa ilalim ng Amended General Instructions for the Board of Election Inspectors, maaaring bigyan ng extra ballot ang mga botante kung hindi tatanggapin ng makina ang ginamit nilang balota kahit apat na beses itong tinangkang ipasok sa VCM sa apat na orientation.

Ayon sa opisyal, mas mahirap ang sitwasyon ngayon dahil sa isyu ng replacement ballot kumpara noong 2010 elections

Sa ngayon ay hindi pa tiyak kung ilan ang ilalaang replacement ballots sa polling precincts bagaman ang inimprentang balota ay ibinatay sa bilang ng mga rehistradong botante.

(Sherwin Culubong/UNTV NEWS)

Tags: ,