Muling natahimik ang mga lansangan, mapa main road o mga eskinita sa Metro Manila habang isinasagawa ang laban nina Philippine Pride Manny Pacquiao at Argentinian boxer na si Lucas Mattysse.
Naabutan ng UNTV ang kumpulan na ito ng mga residente mula sa Barangay 254 Zone 23, Bambang, Maynila na tutok na tutok sa panonood sa boxing match.
Kuwento ni Allan, sa tuwing may laban si Pacquiao ay lagi itong kumukuha ng pay per view para live na napapanood ng mga kasangbahay at kapitbhay ang laban at para hindi na daw kailangan pang lumayo upang makapanood lang.
Mapa bata o matanda tutok na tutok sa panonood sa laban. Sabayang paghiyaw naman ang maririnig sa tuwing mapapatumba ni Pacquiao si Matthysse.
Pigil ang hininga ng mga manunuod sa tuwing tatamaan ng kalaban sa Pacquiao ngunit sigawan naman kapag nakakabawi ito.
Kahit pa bahagyang inulan ang public viewing ng laban ay hindi pa rin natinag ang mga manunuod.
Nang ma-knockout ng Pambansang Kamao sa ikapitong round ang kalaban nito, matinding hiyawan at lumulukso pa sa tuwa ang mga fans.
Tuwang-tuwa at proud ang mga fans dahil sa panibagong tagumpay ni Pacman matapos ang ilang taon.
( JL Asayo / UNTV Correspondent )
Tags: Lucas Mattysse, Manny Pacquiao, Pinoy fans