BuCor chief Nicanor Faeldon, pinayuhan ni Sen. Manny Pacquiao mag-leave muna sa trabaho

by Radyo La Verdad | September 4, 2019 (Wednesday) | 5102

Pinahuyan ni Senator Manny Pacquiao si Bureau of Corrections Chief Nicanor Faeldon na mag-leave muna sa trabaho habang humaharap sa pagdinig sa Senado.

Sa isang pahayag, sinabi ng Senador na ito ay para hindi madamay sa kahihiyan ang Pangulo at ang administrasyon sa kinakaharap na isyu ngayong ng BuCor.

Maaari pa rin naman aniya itong bumalik oras na matapos na ang isyu sa kuwestiyonableng pagpapatupad ng Good Conduct Time Allowance o GCTA sa mga preso.

Bukas (September 5) ipagpapatuloy pa ng Senate Blue Ribbon Committee ang pagdinig sa nasabing isyu.

Tags: ,