Manny Pacquiao, excited na para sa nalalapit nilang laban ni Jessie Vargas sa Las Vegas

by Radyo La Verdad | November 3, 2016 (Thursday) | 9207
Photo credit: Reuters

Photo credit: Reuters

Excited na ang ating pambansang kamao na si Senador Manny Pacquiao para sa nalalapit na boxing fight kay Jessie Vargas sa Las Vegas, Nevada.

Sa kanilang pre-fight press conference, sinabi ni Pacquiao na ramdam na rin niya ang pananabik at pagkauhaw sa panalo ng kalaban niyang si Vargas.

Mas bata ng sampung taon at agresibo si Vargas kaya matinding paghahanda ang ginagawa ni Pacquiao.

Nangako rin ang dalawang boksingero na bibigyan nila ng magandang fight ang mga manonood sa darating na araw ng Linggo.

Tags: , ,