Pagkakaroon ng migraine habang nangangampanya, ipinaliwanag ni Duterte

by Radyo La Verdad | February 15, 2016 (Monday) | 2126

JOEIE_DUTERTE
Idinaos noong nakaraang Sabado ang isang mass wedding o kasal ng bayan sa Tagum Davao Del Norte na pinangunahan ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Umabot sa siyam napu’t walo ang bilang ng mga nagpakasal sa alkalde. 51 mula sa Tigatto District, 23 mula sa Tamayong, 11 mula sa Fatima at 13 mula sa Poblacion.

Sa okasyong ito, ipinaliwanag ng mayor ang kontrobersiya tungkol sa naudlot na pagsasalita nya sa isang kampanya nila ng kanyang ka-tandem na si Sen. Peter Alan Cayetano, dahil sa pagkakaroon nya ng migraine.

Ayon sa presidentiable wala siyang malubhang karamdaman.

Samantala, idiniin muli ng alkalde ang kanyang pagkadismaya sa ipinagbabawal na droga at kriminalidad at nangakong magbibitiw sakaling mailuklok bilang presidente ng bansa kung hindi nya masusugpo ang mga suliraning ito sa loob ng tatlo hanggang apat na buwan.

Kasama ni Duterte sa okasyon ang kanyang katandem na si vice presidentiable na si Sen. Peter Alan Cayetano.
Nilinaw ni Cayetano ang ukol sa pagiging kasapi nya ng Nacionalista Party samantalang ang kanyang presidentiable ay mula sa partidong PDP-Laban.

Sa nalalabing araw ng pangangampanya, limitado ang mga lugar na mapupuntahan ng alkalde dahil aniya hindi ganoon kalaki ang kanyang campaign funds dahil pinipili lamang nya ang mga donasyon at tulong pinansyal na tinatanggap.

(Joeie Domingo / UNTV Correspondent)

Tags: , ,