Pagbibigay prioridad sa commuters, isa sa mga nakikitang solusyon ng ilang ahensya ng pamahalaan sa matinding trapik sa EDSA

by Radyo La Verdad | September 7, 2015 (Monday) | 3691

EJERCITO
Dapat bigyan ng maayos na Mass Transport System ang mga commuter upang maibsan ang traffic sa bansa.

Batay sa datos ng DPWH, 80% ng mga bumibiyahe sa Edsa ay mga commuter o ang mga sumasakay sa mga public transport.

Naniniwala rin ang LTFRB na makakatulong na maibsan ang problema ng mga commuter ang pag-aalis sa number coding scheme.

Ayon naman DPWH, hindi kukulangin ang mga bus lane sa Edsa kung maayos ang management ng mga chokepoint.

Ayon sa ilang pagaaral, nasa 1500 buses ang dumadaan sa Edsa.

Batay naman sa JICA nasa 1,600 naman ang bus capacity ng mga bus lane na nasa kahabaan ng Edsa.

Ngunit ayon sa LTFRB, tinitignan pa kung ang mga bus nga o ang dami ng sasakyan na dumaraan sa Edsa ang dahilan ng matinding trapik.

Ayon naman kay Senador JV Ejercito maaring ang paglaki ng volume ng mga behikulo taon-taon at ang kawalan ng improvement ng infra bus transit ang pangunahing dahilan ng trapik sa Edsa.

Sinabi pa ni Senator Ejercito bukod sa mga isinagawang hakbang para maibsan ang traffic sa Edsa kailangan pa rin ang pagsasaaayos ng mga infrastructure kabilang na ang paglalagay ng mga mass transport system upang lumuwag ang trapiko sa bansa. ( Darlene Basingan / UNTV News )

Tags: