Senate probe ukol sa isyu na isinasangkot si VP Binay, magpapatuloy pa rin

by Radyo La Verdad | June 23, 2015 (Tuesday) | 7466

SENATE BLUE RIBBON
Sa pagbabalik sesyon sa Hulyo ipagpapatuloy ang pagdinig ng Senado sa isyu ng kurapsyon na isinasangkot si Vice President Jejomar Binay.

Ayon kay Senador Antonio Trillanes IV hindi dahilan ang pagbibitiw ni VP Binay sa gabinete ni Pangulong Aquino upang itigil na ang Senate probe.

Ito’y kahit may Partial Committee Report na ang Blue Ribbon ukol sa umano’y malaking sabwatan o grand conspiracy sa Makati City Hall 2 Parking Building.

Binigyang diin ni Senador JV Ejercito na dapat tapusin na ang imbestigasyon ng Sub-committee dahil pagod at sawa na ang taongbayan dito, ayon sa Senador dapat ay mas pagtuunan ang mahahalagang isyu ng bansa.

Tags: , ,