Iba pang Cabinet members na planong tumakbo sa 2016 elections, dapat na rin mag-resign – Sen. JV

by Radyo La Verdad | June 23, 2015 (Tuesday) | 3375

SEN JV EJERCITO
Dapat magkusa nang magbitiw ang ilang miyembro ng gabinete ng administrasyong Aquino na tatakbo sa 2016 National Elections, ayon kay Senador JV Ejercito.

Paliwanag ng Senador, nagagamit ang makinarya ng gobyerno sa kanilang pagkandidato.

Ayon kay Ejercito, hindi patas kung mananatili ang mga ito sa kanilang posisyon at habang maaga pa ay mag-resign na upang hindi magmukha silang nangangampanya.

Ayon naman kay Senador Chiz Escudero posibleng ang pagbibitiw ni Binay ay paghahanda upang matutukan ng hustoang kanyang kampanya sa Presidential Elections.

Para naman kay Senador Bam Aquino di dapat diktahan ang ibang miyembrong gabinete .

Tags: