Kinumpirma ni Information and Communications Technology Officer in Charge Eliseo Rio na pumayag na ang PLDT na ibalik sa pamahalaan ng libre ang 3g frequencies na magagamit ng papasok na 3rd telco player.
Dahil dito, agad na ipinaabot ni Pangulong Duterte ang pasasalamat sa agarang aksyon ng PLDT.
Ayon kay Secretary Rio, nasa 300 bilyong piso ang kailangang maging committed financial investment ng magiging 3rd telco player sa loob ng limang taon, may magandang kalidad na serbisyo, malawak ang coverage sa bansa subalit may mababang halaga ng subscription para sa mga kliyente.
Inaasahang maisusumite ng mga pribadong sektor ang kanilang proposals bago matapos ang buwan ng Marso at sa Abril ay matutukoy na kung sino ang napiling third telco player sa bansa.
( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )
Tags: duterte, PLDT, Secretary Rio