Sa unang guidelines na inilabas ng Department of Health, kinakailangang positibo sa lagnat, rashes, conjunctivitis at may travel history ang isang pasyente sa mga bansang laganap ang Zika virus, bago ito isailalim sa testing.
Subalit ngayon ay pinag-aaralan na ng DOH na alisin na ang travel history bilang isa sa mga pagbabatayan bago isailalim sa testing ang isang pasyente.
Ngayong linggo nakatakdang makipagpulong ang ilang opisyal ng DOH sa mga eksperto upang talakayin ang pagrebisa sa Zika testing guidelines.
Muli namang iginiit ng kagawaran na limitado ang suplay ng Zika testing kit sa bansa.
Ayon sa DOH, maaring gamitin lamang ang Zika virus testing kit kung ang isang pasyente ay positibong may lagnat, rashes at may conjunctivitis o pamumula ng paligid ng mga mata.
(Joan Nano/UNTV News)