Ombudsman Carpio-Morales, dumepensa sa paratang na ‘Selective Justice” ni Pangulong Duterte

by Radyo La Verdad | September 1, 2017 (Friday) | 1397

Sinagot  ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales ang mga pinakahuling isyu na ipinukol sa kaniya ni Pangulong Rodrigo Duterte nang dumalo ito sa Ramon Magsaysay Awards 2017 kagabi sa Pasay City.

Kabilang na dito ang tungkol sa kaniyang termino at ang umano’y selective justice ng kaniyang opisina. Giit nito, sumusunod lang siya sa batas dahil gaya ng isinasaad sa Ombudsman Act. 1989, section 8, part 3, full term na pitong taon ang mandato niya.

Depensa pa nito, hindi namimili ng mga kasong ipo-prosecute ang kaniyang opisina. Gaya na lamang ng umano’y pagtutok sa PDAF cases laban sa mga miyembro ng oposisyon ng Aquino administation.

Aniya, may testimonial evidence na sa mga ito at hindi na nahirapan ang Ombudsman na maghanap ng ebidensya. Dagdag pa nito mahigit 19 na libong mga kaso ang minana ng kaniyang pamunuan na ang iba ay mula pa noong 1999. Ngunit ipinagmalaki nitong sa ngayon ay higit anim na libong kaso na lang ang pending sa kaniyang opisina.

Samantala, inihayag naman ni Ombudsman Carpio-Morales na nag-umpisa na ang preliminary investigation sa mga reklamong inihain ng umano’y Davao Death Squad Whistleblower na si Edgar Matobato laban kay Pangulong Duterte subalit nag-inhibit siya sa kaso dahil sangkot ang father-in-law ng kaniyang pamangkin, ang punong ehekutibo.

 

(Rosalie Coz / UNTV Correspondent)

 

 

 

Tags: , ,