NLEX Harborlink and Connector Road Project, target tapusin sa Disyembre

by Radyo La Verdad | March 9, 2017 (Thursday) | 2177


Planong tapusin ng NLEX Management sa buwan ng Disyembre ang North Harborlink and Connector Road Project na nagdugtong sa Valenzuela,Malabon hanggang Caloocan City.

Hinihintay nalang ng NLEX na maayos na ang matagal nang problema sa right of way sa Valenzuela at Caloocan City na nakahahadlang sa proyekto na dapat sana ay natapos na noong May 2016.

Nag-inspeksyon si Department of Public Works and Highways Secretary Mark Villar sa segment 9 at 10 ng NLEX Harborlink at nangakong aayusin ang aberya sa proyekto.

Dagdag pa ni Sec.Villar, malaking tulong ang nasabing expressway sa mga motorista lalo na sa mga track vehicle upang masolusyunan ang traffic congestion sa EDSA.

Ang nasabing elevated North Harborlink Expressway ay tinatayang may taas na 50ft.

Sa ngayon sana 55% palang ang natatapos sa nasabing proyekto na nagkakahalaga ng 10.5 billion pesos na target tapusin ng NLEX sa buwan ng Disyembre.

(Nestor Torres / UNTV Correspondent)

Tags: , ,