Nakatakdang ilabas ng Department of Education ang bagong curriculum para sa kinder hanggang grade 10.
Ayon kay Vice President at DEPED Secretary Sara Duterte, pakikinggan nila ang mga komentaryo at suhestyon ng bawat sektor upang mabuo ito.
Nais ng ahensya na ayusin ang K to 12 program ng bansa.
Sa ilalim ng K to 12 program, kailangang kumpletuhin ang anim na taon para sa grade school, apat na taon sa junior high school at two years sa senior high school. Ngunit paglilinaw naman ni VP Duterte, hindi agad-agad ang pagpapatupad ng new curriculum para sa K to 12.
Pinagaaralan pa ng ahensya ang curriculum para sa grades 11 at 12.