NDRRMC, nagpaalala sa publiko na maghanda sa patuloy na pag-ulan at mga pagbaha dulot ng habagat at bagyong Falcon

by Radyo La Verdad | July 8, 2015 (Wednesday) | 1881

NDRRMC
Naka-blue alert status pa rin ang NDRRMC dahil sa pagpasok ng bagyong Falcon na pinalalakas pa ng habagat.

Ibig sabihin, kinakailangan na naka-alerto pa rin ang mga tauhan ng Pagasa, Department of Social Welfare and Development, Department of Health, ganun din ang Armed Forces of the Philippines, Philippine Coast Guard at Philippine National Police sa pagresponde dahil sa bagyo at habagat.

Pinaghahandaan na rin ang mga pagbaha lalo na sa mabababang lugar sa Metro Manila dahil sa pabugso-bugsong mga pag-ulan.

Nasa critical level na rin ang La Mesa Dam maging ang San Mateo River na posibleng umapaw dahil sa yellow to orange rainfall warning ng Pagasa.

Ayon pa sa NDRRMC, naka-heightened alert na rin ang mga Local Government Disaster Unit sa mga lugar na posibleng maapektuhan ng pag-apaw nito.

Bunsod nito, pinag-iingat at pinaghahanda na ng ahensya ang mga residente dito sa paglikas.

Ayon sa Pagasa, mananatili ang masungit na lagay ng panahon hanggang sa weekend.

Kaya pinaalalahan din ang mga kababayan na magplano at manatiling mapagmatyag at maging updated sa lagay ng panahon.

Tags: , , , ,