MANILA, Philippines – Iniisaisa ng Food and Drug Adminstration (FDA) ang mga pamilihan sa bansa upang masuri kung may ibinibentang imported meat products ang mga ito mula sa bansang apektado ng african swine fever.
Kinukumpiska na ng fda ang mga ipinagbabawal na meat products upang hindi na makonsumo pa ng publiko o di kaya ay mahalo sa pagkain ng livestock sa bansa.
Umabot na sa mahigit P7M ang halaga ng mga nakumpiskang imported meat products ng fda sa buong bansa. Katumbas iyon ng mahigit 16 na libong delata.
“Actually mahigit 50 na establishments, groceries at tsaka mga distributors ang nahulihan natin na mayroon nitong mga banned products natin na ito. At sineal na natin ito” ani DOH Spokesperson Undersecretary Eric Domingo.
Muling nagpapa-alala ang fda na hindi ma-aaring magpasok ng imported pork meat at pork products mula sa mga bansang apektado ng african swine fever.Sa airport pa lang ay kukumpiskahin na ang mga ito.
“Anything from unprocessed na frozen meat halimbawa bawal iyon pero pati mga produkto na na- processed na. Halimbawa iyong mga de lata o kaya mga kakanin or pagkain na containing meat products lalo na kung pork ay talagang hindi natin pinapayagan na makapsok ito.” ani DOH Spokesperson Usec Eric Domingo.
Ayon sa tagapagsalita ng Department of Health, hanggat hindi pa natatapos ang problema sa african swine fever sa ibang bansa mananatiling maghihigpit ang pilipinas sa pagpasok ng pork products.
“Kasi as of now wala pa rin nade- develop na gamot tsaka bakuna kontra sa mga sakit ng mga baboy na ito kaya talagang indefinite ang ating ban, indefinite ang ating seizure and recall order.”ani DOH Spokesperson Eric Domingo.
Samantala nakikusap ang fda sa publiko na ipagbigay alam sa kanila ang mga establisyemento, distributor o pamilihan na nagbebenta ng meat products mula sa bansang belgium, bulgaria. China, Czech Republic, Hungary, Lativia, Moldova, Poland, Romania, Russia, South Africa, Ukraine, Zambia, Mongolia, Vietnam, Cambodia, Hong Kong At North Korea
Paliwanag ng kagawaran, layon ng paghihigpit na mapanatiling african swine fever free ang Pilipinas.
(Aiko Miguel | UNTV News)
Tags: Department of Health, Food and Drug Administration, imported na karne