Nakitang depekto sa COC ni Martin Diño sa pagka-pangulo, sapat na basehan upang balewalain ito ng Comelec – Atty. Macalintal

by Radyo La Verdad | October 28, 2015 (Wednesday) | 1373

MACALINTAL
Pang 128 sa mga naghain ng Certificate of Candidacy sa pagkapangulo ang pambato ng PDP Laban na si Martin Diño.

Ngunit nakitaan ng ilang iregularidad ang kaniyang COC.

Bagama’t mukhang COC ito sa pagka- presidente nakalagay din kakandidato si Diño bilang mayor ng Pasay City.

Para sa election lawyer na si Attorney Romulo Macalintal, sapat nang basehan ang mga depekto sa coc ni Diño upang ibasura o balewalain ito ng Comelec.

Paliwanag ni Macalintal kapag denied due course o binalewala ng Comelec ang coc ng isang kumakandidato, hindi siya maaring i substitute o palitan ng ibang tao.

Subalit ibang usapan kapag dinisqualify ang isang kumakandidato.

Kung hindi naman ito independent candidate maari siyang palitan ng ibang mula sa kaniyang partido.

Ayon sa Comelec pinag-aaralan pa kung ano ang magiging pasya sa coc ni Diño.

Ngunit ayon kay Macalintal malaking usapin din kung boluntaryong mag-withdraw si Diño ng kandidatura upang bigyang daan ang ilalagay na substitute candidate ng partido.

Una nang sinabi ng PDP Laban na kapag umatras sa pagtakbo si Diño gusto nilang ilagay na kapalit si Davao City Mayor Rodrigo Duterte.( Victor Cosare / UNTV News )

Tags: , ,