Mga tsuper at operators, hindi pa rin handa sa jeepney modernization program

by Radyo La Verdad | January 2, 2018 (Tuesday) | 5076

Simula na ang implementasyon ng jeepney modernization program kung saan unti-unting aayusin at babaguhin ang itsura at mukha ng tinaguriang “hari ng kalsada”.

Ngunit hanggang ngayon, tila hindi pa rin handa ang ilan sa pagbabagong nais ipatupad ng Duterte administration. Katwiran nila, talagang mabigat sa bulsa ang bumili ng mga bagong unit na akma sa nais ng pamahalaan. Ngunit meron din naman na naiintindihan ang nais mangyari ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Una nang iginiit ni Pang. Duterte na tuloy ang planong modernisasyon sa kabila ng pagtututol ng ilang transport groups.

Ayon naman sa statement ni Atty. Aileen Lizada ng Land Transportation and Regulatory Board, kung sakaling may mga hindi susunod sa modernization program ay mapipilitan silang buksan sa ilang bagong players at operators ang sistema.

Prayoridad aniya ang mga pasahero na naghahangad ng ligtas na pampublikong transportasyon.

 

( Rajel Adora / UNTV Correspondent )

Tags: , ,