Mga recruiter ni Mary Jane Veloso, pinakakasuhan ng illegal recruitment ng DOJ

by Radyo La Verdad | May 7, 2015 (Thursday) | 1636
Ang maglive-in partner na sina Maria Kristina Sergio at Julius Lacanilao (mga nagtatakip ng mukha) na sangkot sa pagrecruit kay Mary Jane Veloso
Ang maglive-in partner na sina Maria Kristina Sergio at Julius Lacanilao (mga nagtatakip ng mukha) na sangkot sa pagrecruit kay Mary Jane Veloso

Pinakakasuhan na ng illegal recruitment ng Department of Justice ang dalawang recruiter ni Mary Jane Veloso, ang Pinay na hinatulan ng kamatayan sa Indonesia dahil sa drug trafficking.

Sa nquest resolution na inilabas ng DOJ ngayong araw, inirekomendang kasuhan ng paglabag sa Section 6 ng Republic Act 8042 o ang Migrant Workers Act sina Maria Cristina Sergio alyas Mary Christine Gulles Pasadilla at ang live-in partner nito na si Julius Lacanilao.

Ayon kay Prosecutor General Claro Arellano, isasampa ang kaso sa Regional Trial Court sa Nueva Ecija bukas at walang inirerekomendang pyansa para dito.

Iniutos din ng DOJ na ituloy ang Preliminary Investigation sa mga reklamong estafa at human trafficking laban kina Sergio at Lacanilao. (Roderic Mendoza /UNTV News)

Tags: , , ,