Nanatili sa evacuations centers ang mga residenteng lumikas dahil sa wildfire sa Fort McMurray sa Alberta Canada.
Ayon sa lokal na pamahalaan, nailikas na ang halos walumpong libong residente matapos na isailalim sa mandatory evacuation ang lugar kahapon dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy.
Ito na ang pinakamalaking wildfire sa kasaysayan ng Alberta na isinisisi sa malakas na hangin at mainit na panahon.
Pinapayuhan parin ng pamahalaan ng Canada ang mga hindi lumikas sa Fort McMurray na umalis na sa lugar gayundin ang mga nagtatrabaho sa mga oil mining na malapit dito.
Tags: Fort McMurray Canada, mga evacuation centers, mga Pilipino