Bilang ng mga Pilipinong walang trabaho, bumaba – SWS Survey

by Radyo La Verdad | May 1, 2017 (Monday) | 5116


Bumaba sa 10.4 milyong Pilipino ang bilang ng mga walang trabaho sa first quarter ng 2017.

Batay ito sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations kung saan 2.2 percent ang ibinaba mula sa 11.2 million na walang hanapbuhay noong December 2016.

Gayunman, mas maraming Pilipino naman ang naniniwalang mas kakaunti ang job opportunities sa bansa sa susunod na 12 buwan.

Tags: ,