Mga pampaputi na mataas ang mercury content, mapanganib sa kalusugan lalo na sa mga kababaihan – FDA

by Erika Endraca | July 3, 2019 (Wednesday) | 8102

MANILA, Philippines – Pinag-iingat ng mga eksperto ang publiko sa paggamit ng mga produktong pampaputi na hindi dumaan sa pagsusuri ng Food and Drugs Administration (FDA).

Mapanganib anila sa kalusugan lalo na sa mga kababaihan kung ang magagamit na produkto ay may mataas na mercury content.

Samantala ang paniwala naman ng mga gumagamit ng pampaputi “the fairer the prettier”  gayon din anila ay nakatatanggal ng wrinkles at nakakabata ang paggamit nito.

Para sa mga eksperto kailangang aprubado ng  fda ang gagamitin whitening products upang makasiguro na ang gagamiting produkto ay hindi delikado sa kalusugan. Halimbawa dito ang mga produkto na may mataas na mercury content.

Ayon sa fda, mapanganib sa kalusuan ang anomang produkto na lagpas sa 1 part per million ang mercury content.

“Nagdi- decrease ng pigmentation ng ating balat kaya siya ginagamit na pampaputi. Kaya lang kung mataas ang kaniyang concentration isa siyang poison” ani DOH Undersecretary Eric Domingo

Samantala, malala ang epekto nito lalo sa mga kababaihan. Maaring magkaroon ng sakit sa bato at utak ang tao na madalas ma-expose sa mercury

“Unang-una nakaka- iritate siya ng balat, maaaring sumakit ang balat, magkaroong ng sugat. Magkaroon ng peklat at maaari din itong problema kapag mataas talaga ang concentration,maaari siyang maabsorb ng katawan ng tao. Kapag buntis pa iyong gumagamit lalo pang delikado, kasi maaari pa siyang maka- affect sa dinadalang bata” ani DOH Undersecretary Eric Domingo.

Ayon din sa skin expert na si Dra. Cathy, madami ang nadadaya ng mga skin whitening products lalo na kung hindi tinigtignan ang label at product content.

“The problem nowadays is kung anu-anong products po ang naglalabasan, minsan walang labels or minsan. Hindi natin alam kung anong ingredients ang nandito na maaaring harmful sa ating skin.especially nowadays my advice to my patients is to be able for them to read labels.” ani Aesthetic Dermatologist/Anti-Aging Specialist Dr. Catherine Dela Rosa- Porciuncula.

Payo nito maiging magpakonsulta muna sa mga professional dermatologists upang matiyak na safe ang isang produkto. Ayon pa kay Dra. Cathy, likas na kayumanggi ang mga pilipino lalo na’t proteksyon natin ito sa mainit na klima sa Pilipinas.

“We live in a tropical country so itong melanin itong kulay natin is actually our protection at swerte po tayo dahil sa balat natin it doesn’t cause burning.maganda siya talaga, it protects us from skin cancer.it protects us from other illnesses caused by the sun” ani Aesthetic Dermatologist/Anti-Aging Specialist Dr. Catherine Dela Rosa- Porciuncula.

Samantala hindi basehan ang pagiging maputi o kung anomang kulay ng iyong balat upang masabing maganda ka. Mas maganda pa rin sa paningin ng iba at sa mata ng ating lumikha ang may mabuting asal at puso. Ika nga, beauty comes from within.

(Aiko Miguel | Untv News)

Tags: ,