Mga opisyal ng Presidential Commission for the Urban Poor, tinanggal sa pwesto ni Pres. Rodrigdo Duterte

by Radyo La Verdad | December 12, 2017 (Tuesday) | 4778

Muling nagbabala ang Malacañang sa mga tinatawag na government junketeers o yung mga opisyal ng gobyerno na gumagamit ng pondo ng pamahalaan sa mga pleasure trip.

Isa ito ang sa dahilan kung bakit inalis sa pwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang limang commissioner ng Presidential Commission for the Urban Poor o PCUP na sina Melissa Aradanas, Joan Lagunda, Manuel Serra, Neo Indonto at si dating Kabataan Partylist Representative Terry Ridon na nagsisilbi ring chairperson ng komisyon.

Hindi rin umano nagpupulong ang mga ito at gumaganap ng kanilang mandato. Itinanggi naman ng Malacañang na may kinalaman sa pagiging left-leaning ni Ridon ang desisyon ng punong ehekutibo.

Ipinagtanggol naman ni Ridon ang PCUP at iginiit na tinutupad nila ang kanilang mandato ng may integridad. Gayunman, nagpasalamat pa rin ito sa pagkakataong ibinigay sa kanila ng Pangulo.

Noong Biyernes, una nang nagbigay ng pahiwatig ang Pangulo hinggil dito.

 

( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,