Mga hinihinalang na carnap na sasakyan madali nang makikita sa programang kotse mo, i click mo ng HPG

by Radyo La Verdad | August 17, 2015 (Monday) | 2925

HPG
Nasa 250 na ang recovered na sasakyan ng Highway Patrol Group ang nasa sa Camp Crame.

Karamihan sa mga ito ay hindi pa pinupuntahan ng mga may –ari

Kaya naman inilunsad ng HPG ang isang facebook account na pinangalanang “recovered and impounded motor vehicle”.

Ito ang magiging online channel ng kanilang programang “kotse mo i-click mo”.

Layon nitong matulungan ang mga car owner na ma locate o maretrieve ang kanilang nawawala o na-carnap na sasakyan na posibleng nasa pangangalaga na ng HPG

Sa nasabing facebook account makikita ang itsura at diskripsyon ng mga sasakyan naka impound sa HPG tulad ng chassis, engine number, plate number at iba pa.

Makikita na rin dito ang dapat gawin kung paano at saang rehiyon makukuha ang sasakyan.

Sinabi pa nito na ang kailangan lamang ay mag presinta ng original copy ng official receipt at certificate of registration o or-cr, identification card at duplicate key sasakyan upang i- release ito ng HPG.

Bukod sa mga naka impound sa Camp Crame matatagpuan din sa facebook account ang mga sasakyan narecover ng HPG na nasa ibat ibang panig ng bansa.( Lea Ylagan/ UNTV News)

Tags: