Sasakyan ng Highway Patrol Group nadagdagan

by Radyo La Verdad | December 1, 2015 (Tuesday) | 10030

pnp-hpg-dir.Gunnacao
Marami ang nadagdag sa mga sasakyan ng PNP Highway Patrol Group matapos ang APEC Summit.

Ito’y dahil ibinigay na sa kanila ang nasa 211 na motorsiklo at 108 na patrol cars na binili at ginamit noong APEC Summit.

Ayon kay HPG Director P/CSupt. Arnold Gunnacao, sa nasabing bilang 40 motorsiklo at 20 patrol cars ang mapupunta sa HPG headquarter sa Camp Crame upang gamitin sa kanilang mga operasyon kabilang na ang pagmamando ng traffic sa Edsa.

Habang ipamamahagi naman ang natitirang bilang sa ibang HPG Regional Offices.(Lea Ylagan/UNTV Correspondent)

Tags: ,