Motorcycle driver na pumailalim sa sasakyan tinulungan ng UNTV News and Rescue Team Bacolod

by Radyo La Verdad | January 1, 2016 (Friday) | 3296

bacolod
Kasabay ng pagpapalit ng taon, isang lalake ang tinulungan ng UNTV News and Rescue Team Bacolod na makalabas sa ilalim ng isang Toyota Sedan, nang ito’y tumilapon matapos mabangga ng isang pang suv sa Brgy. Estefania, Bacolod City.

Nagtamo ng mga gasgas sa ibat-ibang bahagi ng katawan at may posibleng injury sa ulo ang lalake.
Ayon sa driver suv, nagkasalubong sila ng biktima matapos syang mag overtake sa isa pang sasakyan kaya nito nabangga ang motorsiklo.

Samantala dali-dali namang isinugod sa ospital ng chamber rescue volunteer ang motorcycle rider na walang anomang pagkakakilanlan.

(UNTV News Bacolod)

Tags: , ,