PNP-HPG suportado ang panukalang pagtatanggal ng mga terminal ng bus sa EDSA

by Radyo La Verdad | July 7, 2016 (Thursday) | 8252

HPG-Director-Senior-Superintendent-Antonio-Gardiola-Jr
Suportado ng bagong hepe ng Highway Patrol Group o HPG ang pagtatanggal sa mga terminal ng bus sa kahabaan ng EDSA.

Naniniwala si HPG Director Senior Superintendent Antonio Gardiola Jr. na malaki ang mababawas sa mabigat na daloy ng mga sasakyan sa EDSA kung mawawala ang mga naglalakihang provincial buses.

Maliban dito, nakadaragdag din aniya ng pagsisikip ng trapiko sa EDSA ang mga taxi na nakapila sa bungad ng mga bus terminal para magsakay at magbaba ng mga pasaherong galing at papuntang probinsiya.

Gayunman, ipinauubaya na ni Gardiola sa mga nakatataas na ahensya ng gobyerno ang mungkahing tanggalin sa EDSA ang bus terminal.

(UNTV RADIO)

Tags: ,