Ngayong balik eskwela na ang mga estudyante, muling nagpaalala ang ilang eksperto sa mga dapat na gawin upang mapanatili ang malusog na pangangatawan ng mga mag-aaral.
Ayon kay Engineer Rolando Santiago ang Officer ng Supervising Health Program ng Department of Health, importante na ikonsidera ang food sanitation upang masigurong ligtas ang mga pagkain na bibilhin ng mga estudyante sa mga paaralan.
Dahil dito nagbabala ang mga eksperto na magingat sa mga pagkain at inumin na ibinebenta sa paligid ng mga eskwelahan.
Ilan sa mga sakit na maaring makuha sa maruming pagkain at inumin ang pagtatae, pagsusuka,lagnat,pagsakit ng tiyan at dehydration.
Ayon sa DOH mas makabubuting kung pababaunan na lamang ng mga magulang ang kanilang mga anak ng mga masustansyang pagkain upang makaiwas sa anumang uri ng sakit.(Joan Nano/UNTV News)