Mga byahero sa Bicol, sa tabi ng kalsada nagpalipas ng magdamag sa paghihintay ng masasakyang bus

by Radyo La Verdad | January 4, 2016 (Monday) | 1816

ALLAN_UWIAN
Sa ating paglilibot sa iba’t ibang lugar dito sa Bicol ay nakita natin ang maraming mga pasahero na dumagsa sa mga pantalan at bus terminal upang makauwi na pagkatapos ng mahabang bakasyon.

Ilan sa mga ito matiyagang naghihintay sa tabi na ng kalsada at doon na rin nagpalipas ng magdamag dahil sa pagbabakasaling makasakay at makahabol sa pasok sa eskwelahan at trabaho ngayong araw.

Mula sa Sorsogon hanggang sa Legaspi, Albay ay ganito ang makikitang eksena dahil ang mga dumadaang bus na buhat pa ng Visayas Region ay punuan na.

Ayon sa ilang pasaherong ating nakausap, mahigit anim na oras nang naghihintay sa tabi ng kalsada at handa umanong maghintay pa kahit na matagal basta makasakay lamang.

Ayon naman sa mga driver ng bus hindi sila agad-agad makapagsa-sakay dahil maagang na-fully booked ang kanilang mga byahe simula pa noong Disyembre.

Hindi rin umano sila magkapagsakay ng higit sa capacity ng kanilang sasakyan dahil delikado na mag overload lalo na at malayo ang kanilang lalakbayin.

Samantala, mahigit sa 100 byahero ang napilitang magpalipas na lamang ng gabi sa loob ng Matnog Port sa Sorsogon.

Karamihan sa mga ito ay galing din sa Visayas na nag-cutting trip hanggang sa sorsogon sa pag aakalang mas mapapadali ang kanilang byahe.

Ayon kay Ernesto Elcamel Officer in Charge ng Public Safety Office o PSO posibleng madagdagan pa ang bilang ng mga naantalang pasahero ngayon sa naga at maaaring abutin pa ng isang linggo bago tuluyang makabyahe lahat ng pasahero patungong maynila kung ang pagbabatayan ay ang kanilang datos noong nakaraang taon.

Kaya naman naka-antabay ang naga City Public Safety Office upang magbigay tulong sa mga byahero.

Tags: , , , ,