Mga biktima ng mga kalamidad o sakuna, kinakailangan sumailalim sa Psychological Debriefing – DOH Sec. Duque

by Erika Endraca | April 25, 2019 (Thursday) | 4147

Manila, Philippines – Pinapayuhan ng Department of Health (DOH) ang mga taong biktima ng sakuna gaya ng lindol na sumailalim sa psychosological debriefing upang makaiwas sa post- traumatic stress disorder

Ang psychological debriefing ay isang paraan upang matulungan ang isang taong makalimot sa masaklap o kalunos- lunos na karanasan nito

Ayon kay Health Sec. Francisico Duque III , pwedeng lumala ang kalagayan ng isang taong hindi makakausap ng social workers o Brgy health workers na umaalalay sa pagsasagawa ng psychological debriefing.

Pwedeng humantong sa anxiety attack or panic iyong mga taong nakaranas ng malubhang takot doon habang nangyayari ang lindol. Minsan hindi sila nakakatulog matapos iyon, iyong post traumatic trauma disorder, may solusyon po tayo diyan ito iyong psychosocial debriefing..”  ani DOH Sec. Francisico Duque III

Kasalukuyan na anyang ginagawa ito sa Porac Pampanga at sa mga lugar na tinamaan ng 6.1 magnitude na lindol noong Lunes.

Kapag hindi nadaan sa debriefing ang pagpawi ng trauma sa isang biktima ng lindol o anomang sakuna, kailangan na itong sumailalim sa mga therapy session bago ito humantong sa depression o anomang suicidal attempts

Pwede rin pumunta sa psychiatrist or sa psychologist para lang sa ganun ay maintindihan kung bkit iyong nangyari sa kaniya nangyari at minsan nakakatulong iyon kung mas naintindihan kung bakit nagkaganun..” ayon kay DOH Sec. Francisico Duque III.

Payo pa ng doh, kailangan ring tulungan ng isang tao ang kaniyang sarili at mag- move on upang hindi ito lalong malubog at magkaroon ng maitinding emotional at mental disorder.

“Kinakailangan din ang tao mismo ay subukan na lang kalimutan iyan at maging busy sa trabaho , sa kaniyang ginagawa at hindi iyong maya’t maya ay iyon ay binabakikan ng kaniyang isip..” pahayag ni DOH Sec. Francisico Duque III.

(Aiko Miguel | UNTV News)


Tags: ,