Mga bagong testigo, haharap sa pagdinig ng Senado kaugnay sa agaw-bato scheme bukas, Oct. 9

by Radyo La Verdad | October 8, 2019 (Tuesday) | 8451

Ayaw pang pangalanan ni Senate President Vicente Sotto III ang mga testigo na kanilang ihaharap bukas, Oct. 9, sa pagpapatuloy ng pagdinig sa agaw-bato scheme at GCTA for sale. Pero tiniyak nya na may mga bagong isyung mabubuksan partikular na sa 2013 agaw-bago incident sa Pampanga.

“Pinagkukuha ang sasakyan ni Johnson Lee that will be part of the investigation tomorrow na lalabas yung mga sasakyan na tinira,” ani Sen. Vicente Sotto III, Senate President.

Sa isyu naman ng GCTA sinabi nina BUCOR officers Mabel Bansil at Veronica Buño na hindi daw kasama sa mga nakikinabang gcta for sale si dating BUCOR Chief Nicanor Faeldon. Pero may mga bagong impormasyon umano silang inamin sa mga Senador.

At para sa seguridad ng mga ito nagpasya ang mga Senador na huwag isapubiko.

“Marami silang sinabi eh, sa executive session, ang mga sinabi nila related to their work,” dagdag ni Sen. Vicente Sotto III, Senate President.

Bukas imbitado pa rin ang mga opisyal ng BUCOR maging sina dating PNP-Criminal Investigation and Detection Group Chief Benjamin Magalong, Philippine Drug Enforcement Agency Chief Aaron Aquino at Philippine National Police Chief Oscar Albayalde.

Samantala hindi naman sang-ayon ang Senate President sa pahayag ni Albayalde na pinupulitika lamang sya sa pagdawit ng kanyang pangalan sa agaw-bato shceme.

“Si General Albalyalde kung may dapat syang sisihin, ang Senado ang sisihin nya yung Blue Ribbon hindi si Mayor Magalong,” ayon kay Sen. Vicente Sotto III, Senate President.

(Grace Casin| UNTV News)

Tags: , , , ,