Michael Yang, kinumpirma ang pagdalo sa Senate Hearing ; Mandarin’s Interpreter, hiling ng kampo nito

by Erika Endraca | September 9, 2021 (Thursday) | 200

METRO MANILA – Kinumpirma ng kampo ni dating Presidential Adviser Michael Yang ang pagdalo nito sa
gagawing series of Senate Hearing upang pag-usapan ang isyu sa Department of Health (DOH) pandemic budget utilization.

Kinumpirma ito ng abogado ni Yang sa ipinadalang ng liham kay Senate President Vicente Sotto.

Humiling naman ang kampo ni Yang sa senado na kung maari ay magkaroon ito ng Mandarin Interpreter dahil sa hirap siyang sumagot sa wikang Ingles o Filipino.

(Kyle Nowel Ballad | La Verdad Correspondent)

Tags: ,