METRO MANILA – Lumilipat na ngayon ng diskarte ng mga scammer.
Ayon sa Department of Information and Communications Technology (DICT), malaki na ngayon ang nabawas sa mga nagpapadala ng text scam na ginagamit ang mga SIM card.
Ito ay mula nang ipatupad ang Sim Registration Law.
Gayunman, mga messaging application naman ang inuumpisahan nilang gamitin para makapanloko.
Paalala ng DICT, huwag nang i-click ang mga kahinahinalang link na natatanggap dahil malamang ay scam ito.
METRO MANILA – Talamak pa rin ang gawain ng scammers na gumamit ng mga hindi rehistradong sim card sa kabila ng pagpapatupad ng sim card registration law ayon sa imbestigasyon ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC).
Kaya patuloy ang paalala ng CICC sa publiko na huwag pansinin ang mga mensahe o tawag na magmumula sa mga hindi kilalang numero.
Bunsod ng problemang ito, makikipagtulungan muli ang CICC sa National Telecommunication Commission (NTC) para makahanap ng paraan kung paano matitigil an mga ganitong gawain.
May nakikita rin ang CICC na loopholes sa sistema ng mga telco kaya hinihintay rin nila ang paliwanag mula sa mga ito.
Paalala ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) mas maigi na huwag na itong patulan at i-report nalang sa mga kinauukulan.
METRO MANILA – Prayoridad pa rin ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior ang pagkakaroon ng digital Philippines at mas mabilis na internet connection sa bansa.
Ginawa nito ang pahayag nang opisyal na ilunsad ang unang bahagi ng national fiber backbone project ng Department of Information and Communications Technology (DICT).
Layon ng inisyatibo na makapagtatag ang pamahalaan ng sariling connectivity infrastructure para sa national at Local Government Units (LGU) upang maisulong na rin ang Micro, Small, Medium Enterprises (MSMEs) gayundin ang nano enterprises sa digital space.
Tags: DICT, internet connection
METRO MANILA – Nagbabala ang Philippine Postal Corporation (PhilPost) laban sa mga scammer na nagpapakilalang mga taga-PhilPost na kumukuha ng personal information sa kanilang mga mabibiktima.
Paalala ng PhilPost, huwag basta magbibigay ng mga sensitibong impormasyon sa mga kaduda-dudang text messages, at huwag basta i-click ang mga naka-attach na link sa mensahe.
Isa sa mga inihalimbawa ng PhilPost ay ang mensahe na nagsasabing may dumating na package, subalit hindi mai-deliver dahil sa maling address.
Habang may ilan naman ang nanghihingi ng detalye ng credit card.