PhilPost pinag-iingat ang publiko laban sa Phishing Scam ngayong nalalapit ang holiday season

by Radyo La Verdad | November 7, 2023 (Tuesday) | 694

METRO MANILA – Nagbabala ang Philippine Postal Corporation (PhilPost) laban sa mga scammer na nagpapakilalang mga taga-PhilPost na kumukuha ng personal information sa kanilang mga mabibiktima.

Paalala ng PhilPost, huwag basta magbibigay ng mga sensitibong impormasyon sa mga kaduda-dudang text messages, at huwag basta i-click ang mga naka-attach na link sa mensahe.

Isa sa mga inihalimbawa ng PhilPost ay ang mensahe na nagsasabing may dumating na package, subalit hindi mai-deliver dahil sa maling address.

Habang may ilan naman ang nanghihingi ng detalye ng credit card.

Tags: , ,