MECQ, ipatutupad sa Lanao Del Sur sa Oktubre ; NCR at 5 pang lugar, isasailalim sa GCQ

by Erika Endraca | September 29, 2020 (Tuesday) | 7166

METRO MANILA – Epektibo simula October 1, 2020, muling iiral sa loob ng 1 buwan ang bagong quarantine classification sa buong bansa.

Aprubado ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force na isailalim ang probinsya ng Lanao Del Sur kabilang na ang Marawi City sa Modified Enhanced Community Quarantine o MECQ simula October 1 hanggang 31, 2020, pinakamahigpit na quarantine restriction sa Pilipinas.

Anim na lugar naman ang sasailalim sa General Community Quarantine (GCQ) pagkatapos ng Setyembre, kabilang na ang Metro Manila, Batangas, Tacloban City, Bacolod City, Iligan City at Iloilo City.

Mayoryang bahagi naman ng bansa, sasailalim sa Modified General Community Quarantine (MGCQ).

Samantala, kuntento naman si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagresponde ng mga lokal na pamahalaan sa COVID-19 crisis.

Muli rin nitong inulit ang kahandaan ng pamahalaang maglingkod at ipagpatuloy ang serbisyo lalo na sa gitna ng pandemiya.

”Mga kababayan ko, wag kayong masyadong maniwala diyan sa mga atake-atake, it would just muddle up your mind. Nandito kami, our purpose is to serve and to work, if we cannot serve, and if we cannot work, then we might as well get out of the government as ask somebody else to take over.” ani Pangulong Rodrigo Duterte.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: , ,