Mayweather, undefeated pa rin matapos talunin si Pacquiao via unanimous decision

by dennis | May 3, 2015 (Sunday) | 1539
May 2, 2015; Las Vegas, NV, USA; Floyd Mayweather and Manny Pacquiao box during their world welterweight championship bout at MGM Grand Garden Arena. Mandatory Credit: Joe Camporeale-USA TODAY Sports
May 2, 2015; Las Vegas, NV, USA; Floyd Mayweather and Manny Pacquiao box during their world welterweight championship bout at MGM Grand Garden Arena. Mandatory Credit: Joe Camporeale-USA TODAY Sports

Wala pa ring bahid dungis ang winning record ni Floyd Mayweather matapos nitong talunin ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao via unanimous decision sa kanilang welterweight championship sa MGM Grand Garden Arena, Sabado ng gabi (oras sa Amerika).

Gamit ang kaniyang defensive at counterpunching skills, nagawang limitahan ni Mayweather si Pacquiao para mapreserba ang yang undefeated record.

Bagaman may mga power punch na naikokonekta si Pacquiao, muli namang nakakabawi si Mayweather sa pamamagitan ng mga jabs at higpit ng depensa.

Inaasahan na masisira ng naturang megafight, na ito na itinuturing din na “Fight of the Century”, ang kasalukuyang pay-per-view record sa kasaysayan ng boxing.

Scorecard: In favor of Floyd Mayweather
118-110, 118-110, 116-112

Tags: ,