Mayor Rodrigo Duterte, personal na nagtungo sa Comelec upang tiyaking walang depekto ang kaniyang COC

by Radyo La Verdad | December 8, 2015 (Tuesday) | 1427

RODRIGO-DUTERTE
Umaga pa lang dagsa na sa harap ng tanggapan ng Commission on Elections ang mga taga suporta ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Tanghali ng dumating sa Comelec ang alkalde at agad dumiretso sa law department ng komisyon.

Ang kaniyang pakay masigurong walang depekto ang kanyang certificate of candidacy at tama ang ginawa niyang proseso.

Noong November 27 isinumite ng isang abugado ang kaniyang coc sapagka-pangulo sa Comelec kapalit ng umatras na si Martin Diño.

Subalit hindi pa dito nagtatapos ang problema sa kandidatura ni Duterte dahil nakabinbin pa sa Comelec 1st Division ang petisyon na kumukwestyon sa validity ng COC ni Diño at sa pagiging substitute candidate ng Davao City Mayor.

Nakasaad sa petisyon na dapat ideklarang null and void ang COC ni Diño dahil hindi ito para sa pagka presidente kundi para kandidatong mayor ng Pasay City.

Dahil depektibo ang COC ni Diño hindi pwede maging substitute presidential candidate si Duterte.

Sa December 16 nakatakdang dinggin ang petisyon na isinampa ni Ruben Castor.

Subalit kumpyansa ang kampo ni Duterte na papaboran siya Comelec lalo’t una nang nagdesisyon ang 2nd Division ng poll body na dismissed ang petisyon upang ideklarang nuisance candidate si Diño.

Samantala hati naman ang mga taga suporta ni Duterte kung sino ang gusto nilang maging katambal nito.

May mga grupo sang ayon sa Duterte- Cyetano tandem pero may mga ilan na gusto si Senator Bongbong Marcos na katambal ng Davao City Mayor.

Ayon kay Duterte hindi na niya kinukunsidera si Marcos dahil nakipag-tandem na ito kay Miriam Santiago. (Victor Cosare/UNTV News)

Tags: , ,