Mas maagang simula ng botohan, pinag-aaralan ng Comelec

by Radyo La Verdad | March 21, 2016 (Monday) | 1168

COMELEC-FACADE-2
Pinag aaralan ng Commission on Elections o Comelec na agahan ang pagsisimula ng botohan sa May 9 matapos na pagtibayin ng Korte Suprema ang pagbibigay ng voter’s receipt.

Alas syete ng umaga hanggang alas singko ng hapon ang orihinal na itinakdang voting period ng Comelec para sa May 9 polls

Ngunit ngayon ay tinitingnan ng poll body na umpisahan ito ng alas sais ng umaga sa halip na alas syete.

Una nang sinabi ng Comelec na kapag mag i-imprenta ng voter’s receipt ay madadagdagan ang oras ng botohan.

(UNTV NEWS)

Tags: