Sisimulan na sa Lunes ng mababang kapulungan ng kongreso ang Marathon Session sa pagtalakay sa basic law of the Bangsamoro Autonomous Region.
Plano ni Ad Hoc Committee Chairman Rufus Rodriguez na labing apat na oras tatagal ang debate sa bangsamoro bill pagdating nito sa plenaryo.
Sisimulan ng Alas-diyes ng umaga ang sesyon sa kamara na tatagal hanggang Alas-dose ng hating gabi upang hindi masayang ang panahon ng kongreso at agad na maipasa ang Bangsamoro Bill.
Ayon sa kongresista mas magiging mahaba ang debate nito sa plenayo dahil lahat ng kongresista ay may pakakataon magtanong o kuwestiyunin ang nilalaman ng bangsamoro bill.
Lalo na sa probisyong tungkol sa Opt In, Constitutional Commssion at Black Grant.
Samantala bago pa man sumalang ang Bangsamoro Bill sa plenaryo, nagpahayag na ng pagtutol si Sarangani Rep. Manny Pacquiao na isama ang kanilang distrito sa bubuuing Bangsamoro Region.
Ayon kay Pacquiao, magdudulot lamang ito ng lalo pang kaguluhan sa halip na ang inaasam na kapayapaan.
Sa ipinasang Bangsamoro Bill sa komite, kasama ang Sarangani District sa mga lugar na idinagdag upang maging parte ng Bangsamoro Region.(Grace Casin/UNTV News)
Tags: AD HOC Committee Chairman Rufus Rodriguez, Manny Pacquiao
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com